bahay-baháyan
bahay-baháyan games, traditional games, family, childhood Isang larong pambatà ang bahay-baháyan, nilalaro ng apat hanggang limang batà na gumaganap kunwari sa papel ng mga miyembro ng isang mag-anak—ama, ina, mga anak, at kung minsan pati kasambahay o alagang pusa o áso. Isinasadula nilá sa paglalaro ang iba’t ibang karaniwang gawain sa tahanan: paglilinis ng bahay,…