nípa

 

Ang nípa (Nypa fruticans) ay kabilang sa pamilya Palmae. Ito isa sa pinakamatandang espesye ng mga palma. Matatagpuan sa estuwaryo at nakahanay sa mga sapà at ilog. Ito ay makikita sa Sri Lanka, Ganges Delta hang-gang kanlurang Pasipiko, timog at timog-silangang Asia tulad ng Bangladesh, Brunei Darussalam, Cambodia, Tsina (mga isla ng Hainan), India, Indonesia, Japan, Malaysia, Myanmar, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Filipinas at Vietnam, at hilagang-kanluran at hilag-ang-silangan ng Australia.

Mabilis itong lumaki lalong-lalo na sa mga tubig tabang. Lumalaki hanggang 10 metro ang taas, at naiiba sa mga palma dahil wala itong tuwid na katawan. Sa halip, ang katawan ay makapal at nakah-andusay at nagsasanga pababâ. Ang bagong tubò ay nag-mumula sa bawat sanga. Ang bunga ay magaan kung kayâ puwedeng dalhin ng tubig sa ibang lugar na maaari itong tumubò. Ang hulíng tubò ay sumusuporta sa palumpon ng mga nakatayông dahon namay napakaraming nagha-halinhinang maliliit na dahon (30–40 kada dahon). Ang bulaklak ay nagiging malahiblang prutas na kulay kastanyas na kayumanggi. Mas mainam ang tubig tabang sa paglago ng nipa.

Maraming gamit ang nipa, tulad ng pagkain, medisina, pambalot ng sigarilyo, alak, pulut, at pangingisda. Sa Filipinas, ang ang mga dahon ng nipa ay ibinibilad at gi-nagawang dingding at bubong ng mga bahay, bukod sa panggatong. Sa Bangladesh at India, ang abo ay ginagamit na gamot sa sakit ng ngipin at ulo. Dahil ito ay malapad, tumutulong itong palutangin ang lambat sa ibabaw ng tubig. Ang bunga ay ginagamit ding tina sa mga lambat. Ang pagkasira at pagkawala ng nipa ay dahil sa pataas ng alat ng tubig, malalaking alon, pagtaas ng tubig dagat, at kalamidad tulad ng bagyo at tsunami. Sa India, muntikan nang mawala ito dahil sa kakulangan ng daloy ng tubig tabang. Ngunit ang pinakamalaking panganib ay ang walang habas na pamumutol upang gamiting materyales sa paggawa ng bahay o kayâ ang tirahan ay patayuan ng palaisdaan, gamitin para sa agrikultura, at iba pang industriya. (MA)

 

 

[cite]