bangkâ
bangkâ transportation, Austronesians, boats, maritime culture Maliit na sasakyang pantubig ang bangkâ. Karaniwan itong gawa sa kahoy at ginagamitan ng sagwan. Kung minsan, may nakakabit na kawayan sa magkabilâng gilid ng bangka upang balanse ang takbo nitó sa tubig. Tinatawag ang kawayang ito na kátig. Lundáy ang pinakamaliit na bangka, parang inukang kahoy, at isa…