Ceferino Garcia
(26 Agosto 1906–1 Enero 1981)
Si Ceferino Garcia (Se·fe·rí·no Gar·sí·ya) ang kaisa-isang Filipinong naging kampeong pandaigdig sa middleweight at kinikilálang imbentor ng “bolo punch.” Isinilang siyá noong 26 Agosto 1906 sa Naval, Biliran at panganay na anim na anak nina Fortunato Garcia at Pascuala Pieras. “Cipriano Garcia” ang tunay niyang pangalan. Tipiko siyáng anak mahirap, hindi nakapag-aral, umalis ng bayan upang makipagsapalaran, at pinalad sa pagboboksing.
Kinatatakutan na si Predo, palayaw niya, sa boksing nang umalis ng Naval at naghanap ng trabaho sa Lungsod Cebu. Ipinakilála siyá ng isang panadero sa isang promot- er ng boksing. Nagsimula siyáng sumikat na boksingero noong 1936 sa Cebu, lumipat sa Maynila, at naglakbay sa Estados Unidos. Nakuha niya ang korona sa pandaigdigang middleweight noong 2 Oktubre 1939 at tatlong ulit itong ipinagtanggol bago natalo kay Ken Overlin sa puntos. Sa buong karera niya, natalo lámang siyá sa 28 ng kaniyang 142 laban at umiskor ng 67 knockout.
Isa siyá sa itinuturing na pinakamalakas sumuntok na boksingero. Kinikilala siyangmanlilikha ng tinawag na “suntok bolo” (“bolo punch”), bagaman may nagsasabing unaitong ginamit ng isang Filipinong boksingero, si Macario Flores, noong 1924. Ang sun-tok bolo ay isang mabilis na uppercut . Nang tanungin kung paano niya natututuhan ang suntok bolo, sinabi ni Predo na bunga iyonngpagtabas niya ng tubó noong kabataan sa Filipinas. Namatay si Predo noong 1 Enero 1981 sa San Diego, California. Bago ito, nahirang siyá sa Ring Boxing Hall of Fame noong 1977. Noong 1989, ibinilang siyá sa World Boxing Hall of Fame. (VSA)