pipít
Ang pipít (genus Anthus) ay isang maliit na panlupang ibon. Karaniwang balingkinitan ang pangangatawan nitó, maikli ang leeg, katamtaman hanggang mahabà ang bun-tot, mahabà ang payat na binti, mahabà ang payat at patu-lis na tuk, kulay olibo o kayumanggi ang mga balahibo na mayroong matingkad na batik at guhit sa likod, pakpak, at dibdib, at karaniwang kumakain ng mga insekto sa lupa. Ang kulay ay nagsisilbing pambalat-kayo tuwing nása lupa at bato.
Lumilipad ito kapag nag-papakitang gilas sa maaar-ing maging kapareha, kapag nadayo sa ibang lugar, at kapag nakaram-dam ng panganib. Maaaring tukuyin ang species ng pipit sa pagkawag nitó ng bun-tot. Ang pagkawag ng buntot ng ibang uri ng mga ibon ay senyal sa mga mandaragit ng pagiging listo nitó ngunit ang pagkawag ng buntot ng pipit ay hindi pa natitiyak ang dahilan.
Pinaniniwalaang nagmula ito sa Silangang Asia noong pitóng milyong taon ang nakararaan at lumaganap sa America, Africa, at Europa noong pagitan ng lima hang-gang anim na milyong taon. Sa ngayon, mayroon itong distribusyong kosmopolitano, matatagpuan sa halos lahat ng lupain ng mundo maliban sa disyerto at Antartika.
Sa Filipinas, matatagpuan ang mga species na anthus novaeseelandiae o Richard’s pipit; ang anthus cervinus o red-throated pipit; at ang anthus gustavi o Pechora pipit. Tinatawag din itong pipit-lata, sipyakan, tagsing, ananagsing, tambayugyug, siyep, at piliw-piliwan. Lumabas naman ang naturang ibon sa isang popular na awitin na pinamagatang “Ang Pipit” ni Levi Celerio. (KLL)