tsíko

Ang tsíko (Manilkara zapota), sa Ingles ay sapodilla, ay isang uri ng bungangkahoy. Katutubo ito sa Yucatan, Mexico at naipakilála sa Filipinas noong panahon ng Es-pañol. Matamis ang bilóg na bunga nitó, na may mabuhok na balát at kulay kayumangging madilim. Tumataas ang punò ng tsiko ng 20-40 metro. Maganda ang makikintab na berdeng dahon nitó. May bulaklak itong hugis kam-pana. Mayroon itong payat na tangkay. May mga bunga itong walang buto at ang iba ay may tatlo hanggang labindalawang buto. Ma-dalîng ihiwalay ang mga buto mula sa laman.

Lima hanggang walong taón pagkatapos itanim bago makapamunga ang punò ng tsiko. Gumugu-lang ang bunga mula apat hanggang anim na buwan matapos mamulaklak. Sa mga tropikong lugar, halos sunod-sunod ang pamu-munga nitó. Kapag may dilaw na sa kulay kapeng balát ng tsiko, maaari na itong pitasin. Maaari na rin itong pitasin kung humihiwalay na ang bunga sa tangkay. Mabuting pahinugin muna nang lubusan ang prutas sa normal na temperatura bago kainin. Kapag pinitas ang bunga nang hilaw pa, hindi magiging maganda ang pagkahinog nitó.

Hindi kailangan ang lubos na pag-aalaga sa punò ng tsiko. Ang kailangan lámang ay malabanan ang mga pesteng na-ninira dito. Madalas dayuhin ng mga peste ang dahon, bulaklak, at prutas.

Masustansiya ang tsiko, subalit ang paglunok ng higit sa anim na buto nitá ay magdudulot ng pananakit ng tiyan at pagsusuká. Ang dagta ng punò ay sangkap sa paggawa ng chewing gum at ginagamit ng mga dentista sa pag-ayos ng ngipin . Pinagkukunan rin ito ng pandikit. Matibay ang kahoy ng tsiko, kayâ ginagamit ito sa paggawa ng mesa at upuan, bang-ka, at paggawa ng bahay. Maaari ding gamot sa pagdudumi ang muràng bunga ng tsiko. Ang katas ng bulaklak at bunga ay iniinom kung may problema sa paghinga, sipon, at ubo. Ang katas naman ng buto ay gamot sa mahinàng bato. May mga naniniwala na nakapagpapababà ng presyon ng dugo ang mga dahon nitó. (SSC)

 

[cite]