Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Talóng Tudáya

Matatagpuan ang Talóng Tudáya sa bayan ng Santa Cruz, lalawigan ng Davao del Sur. Sa mahigit-kumulang 150 talampakan, isa ito sa pinakamataas na talon sa Filipinas. Hindi ito nakapagtataká dahil matatagpuan ang talon sa Sibulan Trail paakyat sa pinakamataas na bundok ng bansa, ang Bundok Apo. Dahil sa lokasyon nitó, madalas itong dayuhin ng mga mountaineer.

Mararating ang Tudaya pagkata-pos ng tatlong oras na biyahe mula sa Lungsod Davao, o isang oras mula sa Digos. Kailangan ng dagdag na kalahating oras ng pagtalunton sa mga batis na may malalakas na agos, mapuputik na daanan, at mga burol. Ngunit sulit na sulit ang hiking na ito sapagkat bubungad sa iyo ang maputîng anak ni Apo na sinisigid ang hangin ng kaniyang dagundong at patak ng malamig na tubig. Sinasabing hindi kakayahin ng isang tao ang tumayô sa ilalim ng buhos ng tubig dahil sa lakas na hatid ng mataas at mahabà nitóng pagbagsak. (PKJ) ed VSA

 

 

 

Cite this article as: Talóng Tudáya. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/talong-tudaya/