Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Talóng Tinuy-án

Ang Talóng Tinuyán ang pangunahing pook paslayan at atraksiyon ng Lungsod Bislig, lalawigan ng Surigao del Sur, sa silangang Mindanao. Matatagpuan ito sa Barangay Burboanan, isang oras na biyahe mula sa Mangagoy, ang kabayanan ng Bislig. Sa lapad na 95 metro, sinasabing ang Tinuy-an ang pinakamalapad na talon sa buong Filipinas, at tinagurian na nga itong ”Niagara Falls ng Filipinas” pagkatapos ng tanyag na talon sa hanggahan ng Canada at Estados Unidos. May taas namang 55 metro ang Tinuy-an, na nailarawan nang katulad ng isang ”putîng kortina.” Bumubuhos ang talon sa tatlong saray.

Hindi pambihira ang makasipat ng bahaghari sa pook. Matatagpuan din sa paligid nitó ang mga mesa para sa mga magpipiknik, at palaruan para sa mga batà. Mayroong kahoy na tulay na tumatawid sa lagunang likha ng talon. (PKJ) ed VSA

 

 

Cite this article as: Talóng Tinuy-án. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/talong-tinuy-an/