Talóng Tinagò
Matatagpuan ang Talóng Tinagò sa Barangay Ditucalan, 13.8 km mula sa poblasyon ng Lungsod Iligan, lalawigan ng La-nao del Norte, hilagang Mindanao. Isa ito sa pan-gunahing pook pasyalan ng Iligan. Kasáma ang Talong Maria Cristina, kabilang ang Tinago sa mga ipinagmamalaking mahigit-kumulang 20 talon ng tinaguriang ”Lungsod ng mga Talon.” Nahuhulog ito mula sa isang bangin sa taas ng higit 200 talampakan tungo sa isang malalim at napakalamig na laguna. Mayroon ding mga batis sa paligid nitó.
Tinawag ang talon bilang Tinago dahil sa lokasyon nitó na mistulang ”itinago” sa isang malalim na bangin at pinalilibutan ng kagubatan. Para marating ang talon, kailangang malagpasan ang mahigit-kumulang 500 hakbang na inihahambing sa isang winding staircase. (PKJ) ed VSA