Talàng Batúgan
Ang Talàng Batúgan ay ang katutubong tawag sa Hilagang Bituin. Tinatawag din itong Polaris sa Ingles na nagmula sa pariralang Latin na stella polaris o talà ng polo. Maliwanag itong bituin, ika-48 sa lahat ng mga maliliwanag na bituin sa langit, at ito ang pinakamaliwanag na bituin sa pangkat na na Ursa Minor.
Ang pariralang “talà na batugan” ay unang iniulat ni Plascencia natawag ng mga Tagalog sa bituin sa umaga noong ika-18 siglo. Sa isinulat naman ng etnograpong si Manuel, inilarawan niyang Talang Batugan bilang maliwanag na bituing sumisikat sa madaling-araw. Tinawag itong “batugan” o tamad dahil kahit malaki ay mahinà at mabagal kumilos kayâ inaabot ng araw na nása langit pa.
Mahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng mga katutubong Filipino ang mga bituin. Marami sa mga ito ay binigyan ng pangalan batay sa kultura, gamit, hayop, halaman, at iba pa. Ang mga bituin ay ginamit din sa paraan ng pangangaso, pagkakaingin, at iba pang gawain. Katulad ng iba pang naunang mga tao, ang Hilagang Bituin ay ginamit sa paglalayag dahil lagi itong nakapaghihimaton ng hilaga sa mga tumata-wid ng dagat. (CID) ed VSA