salágintô

Ang salágintô (Metriona bicolor) ay alinman sa mga uwang na tila ginto ang kinang ng katawan at lungti ang labas ng pakpak. Ang mga tigulang na salaginto ay 1⁄4 pulgada ang habà, bilugan ang hugis, at may transparenteng talukab na hawig sa pagong. Tuwing tag-init ay nagiging matingkad na ginto ang kulay nitó ngunit kapag hinuli ay nagiging kayumanggi na lamang. Habang sa panahong malamig naman ay nagiging kahel o bronse ito.

Ang uod ay may malatinik na estruktura sa katawan at napipisâ sa itlog tuwing Mayo at Hunyo. Ang pinag-palitang balát nitó ay nai-iwan sa bandang puwitan at dinadagdagan nitó ng sariling dumi upang ku-mapal. Ang mga naipong dumi, na mukhang ipot la-mang ng kung anong ibon, ay nagagamit naman nitó bilang depensa sa mga kala-ban.

Tuwing tag-init, nagiging aktibo ang mga salaginto sa pagkain ng mga halaman, lalo na ang mula sa pamilyang Convolvulaceae na tulad ng morning glory. Tinatawag din itong anguring, bagang, guginto, labog- labog, lagur-ing, at sammisamimi. (KLL) ed VSA

 

Cite this article as: salágintô. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/salaginto/