Sagáda
Sinasabing kung naghahanap ka ng kapayapaan, malamig at sariwang hangin, at maririkit na tanawin ng kabundukan ay pumunta ka sa bayan ng Sagáda. Isa itong maliit na munisipalidad sa bulubunduking la-lawigan ng Mountin Province at dahil sa malamig na klima buong taón ay masagana sa gulay na tulad ng repolyo, kamatis, patatas, carrot, at beans. Ipinasok din dito ang kapeng Arabica sa mga taóng 1882 -1896 at ang kahel Valencia para sa pangangailangan ng mga misyonerong Americano. Sumikat din ito dahil sa yungib na may “nakabiting mga kabaong,” ang tradisyonal na paraan ng paglilibing sa pook, at isa sa pangunahing dinadayo ng mga banyaga at Filipinong turista.
Unang nanahan dito ang mga misyonero ng Simbahang Episcopal noong 1901 at kayâ mga miyembro ng natur-ang sekta ang karamihan sa mamamayan. Popular na aktibidad dito ang trekking, pagdalaw sa mga yungib at busay, piknik sa mga burol ng pino, at paglahok sa mga pagdiri-wang na pantribu. Marami na ngayong hotel, pensiyon, at resthouse na maaaring matuluyan bukod sa mga restoran na nagdudulot ng katutubo at banyagang lutuin. Isang malaking matutuluyan ang Saint Joseph Rest House. Isa pa ang Ganduyan Café na may museo at tindahan ng sobenir. Ang Masferres ay malaking restoran sa gitna ng poblasyon at nakapahiyas sa dingding ang mga ikonkong retratong kuha ni Masferres.
Ipinaaalala na huwag pupunta sa Sagada kung pistang pangilin dahil tiyak na punuan sa turista ang mga hotel. May curfew din sa bayan. Sinimulan ang paghihigpit na ito noong panahon ng Batas Militar ngunit ipinagpatuloy upang masawata ang malubhang kaso ng paglalasing at ingay. Sarado ang lahat ng tindahan at restoran pagdating ng 9:00 ng gabi. (VSA)