Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

rímas

 

Ang rimas (Artocarpus altilis) ay isang punongkahoy na namumulaklak at may taas na umaabot ng 26 metro. Ito ay nagmula sa pamilyang Moraceae ng mga kahoy na kara-niwang nabubuhay sa Timog-Kanlurang Asia. Ang mga dahon nitó ay malalaki, pasalit-salit, at hugis biluhaba. Kapansin-pansin ang maraming sanga sa punò. Ang ibinubunga ng punòng ito ay walang buto na kahawig ng langka.

Ang rimas sa salitâng Ingles ay breadfruit na hinango sa hugis ng bagong gawang tinapay gayundin ang lasa nitó kapag nahinog na. Sa ibang lugar sa Filipinas, kilala ang rimas sa tawag na kamansi at lima ang tawag sa Capiz. Kilala naman ito sa pangalang sukun sa bansang Indonesia. Sinasabing natagpuan ito ng mga sinaunang tao 3500 libong taón na ang nakararaan.

Ang punòng ito ay pinagmumulan ng babae at lalakeng bulaklak. Ang lalaking bulaklak ang unang umuusbong, at matapos ng ilang araw, sinusundan ito ng pagtubò ng babaeng bulaklak. Isa sa magandang katangian ng punòng rimas ay ang pagkakaroon ng maraming bunga. Ang bun-ga nitó ay umaabot hanggang 200 piraso kada kapanahu-nan ng pagbubunga.

Isa sa mga pangunahing pagkain ang rimas sa maraming bansa sa rehiyong tropiko. Mayaman ang bunga ng rimas sa arina, at bago ito kainin maaari itong pakuluan, ihawin, o iprito. Sa maraming artikulo tungkol sa pagpoproseso nitó, sinasabing kahawig ng lasa nitó ang bagong lutong patatas o tinapay. Ang hinog na hinog sa rimas ay matamis dahil sa pagiging asukal ng taglay nitóng arina (SSC).

 

Cite this article as: rímas. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/rimas/