ramí
Ang ramí ay uri ng tela na mula sa himaymay ng halamang may gayon ding pangalan. Ang halaman ay tinatawag ding “amíray” (Boehmeria nivea), isang namu-mulaklak na halaman sa pamilyang Urticaceae at katutubo sa silangang Asia. Ito ay palumpong, matagal ang búhay, at lumalago sa taas na dalawang met-ro; ang mga dahon ay hugis puso, 7-15 sm ang habà at 6-12 sm ang lawak, at puti sa gilid. Ito ay nagbibigay ng isang kulay-pilak na hitsura. Ang dahon nitó ay palagiang lungting magulang sa ibabaw at maputîng balahibuhin sa ilalim, matulis sa magkabilâng dulo, malapad at may kakapalan at humahabà nang buhat sa pitó hanggang 16 sm.
Ang ramí ay karaniwang inaani dalawa hanggang tatlong beses sa isang taón. Kung maganda ang kondisyon ng paglago ay maaari itong anihin nang anim na beses. Ang ramí ay ginagamit upang makabuo ng isang tela na tina-tawag na mechera, na ginagamit para sa mga kamiseta at bestidang angkop para sa mainit na klima. (RBT)