pusít

Tinatawag na cephalopod sa order Teuthida ang pusít. Tulad ng ibang lamang-dagat at cephalopod may malaking ulo ito, may simetriyang bilateral, isang tinatawag na mantle, at mga bisig. Walo ang bisig ng pusít at nakahanay nang pares-pares at may dalawang mas mahabàng galamay. Karaniwang hindi humi-higit sa 60 sentimetro ang habà ng pusit, bagaman may higanteng umaabot sa 13 metro. Nitóng 2003, higit na nakilála ng mga siyen-tista ang malaking espesimen, ang Mesonycholeuthis ham-iltoni, at lumalaki ng 14 metro. Nakahúli nitó sa New Zealand noong 2007. Marahil, ang higanteng pusit na ito ang pinagbatayan ng mga dambuhalang dagat, gaya ng kraken, sa mga alamat at mitolohiya.

Sa Filipinas, tulad sa maraming bansa, itinuturing na masarap na lutuin ang púsit. Karaniwang isilbi itong inihaw at adobo. Paborito itong pulutan sa inuman. Pinatutuyo ito upang magtagal at kinakain ding inihaw o prito ang daeng na pusít. (VSA)

 

Cite this article as: pusít. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/pusit/