Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Puerto Galera

Ang Puerto Galera (Pu·wér·to Ga·lé·ra) ay isang popular na pook bakasyunan at pinakahilagang bayan ng lala-wigan ng Oriental Mindoro. Matatagpuan ito sa timog-kanlurang bahagi ng Verde Island Passage na naghihiwalay sa Mindoro sa lalawigan ng Batangas sa Luzon. Binubuo ito ng 13 barangay.

Kilala ang Verde Island Passage bilang isa sa mga sen-tro ng buhay akwatiko sa mundo, at pinakikinabangan ito ng Puerto Galera sa paghatak ng mga turista. Tanyag ito bilang isang pook sisiran (dive spot), at dinadayo ng mga scuba diver at snorkeler mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas at daigdig para sa mayamang dagat na nagtatam-pok ng maraming uri ng isda, mga nanganganib na uri ng pagong, at mahigit 300 uri ng tangrib—isa sa pinakamalagong pook tangrib sa mundo. Itinuturing ang dagat ng Puerto Galera at mga karatig na pulo, tulad ng isla ng Verde sa gitna ng Passage, bilang isa sa mga pangunahing dive site ng bansa.

Bukod sa mga pook sisiran, patok din ang Puerto Galera dahil sa magagandang aplaya nitó, na bukod sa mas malapit sa Metro Manila kaysa mga dalampasigan sa Kabisay-aan at Mindanao, ay maunlad sa dami ng resort at kainan. Malinaw ang bughaw na tubig, at mayroong iba’t ibang klase ng buhangin—putî at pino, itim, makikinis na bato, at magagaspang na batong tangrib. Paboritong pamala-gian ng mga turista ang Sabang Beach at White Beach, na nagtatampok ng masiglang nightlife at hitik sa mga inuman at restoran. Marami pang ibang gawain sa Puerto Galera, tulad ng pag-akyat sa malalaking tipak ng bato, camping, hiking, at paggalugad sa karatig na kagubatan at mga bundok. (PKJ)

 

Cite this article as: Puerto Galera. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/puerto-galera/