pipít mananahì

 

Ang pipít mananahì (genus Orthotomus) ay maliit na ibon na karaniwang naninirahan sa mga rehiyong tropi-kal, lalo na sa Asia. Nakuha nitó ang pangalan dahil sa na-tatangi nitóng paraan ng paggawa ng pugad. Ang gilid ng isang malaking dahon ay tinatahi nitó sa pamamagitan ng hibla ng halaman o sapot ng gagamba upang makalikha ng tila duyan na paglalagyan ng mismong pugad nitó.

Karaniwang mayroong matingkad na kulay, lungti o abuhin ang itaas na bahagi ng katawan nitó at manilaw-nilaw o abuhin ang dibdib at tiyan. Karaniwang mayroong kulay kastanyas na marka sa ulo. Maikli ang bilugang mga pakpak, maikli ang patayông buntot, matibay ang mga binti, at mahabà ang pakurbang tuka.

Ang orthotomus castaneiceps o Philippine tailorbird ay matatagpuan sa hilaga at gitnang Luzon, Balut, Biliran, Bohol, Cabo, Calicoan, Dinagat, Leyte, Mindanao, Samar, Siargao, Basilan, Bantayan, Calagna- an, Guimaras, Masbate, Pan de Azucar, Panay, Ticao, Cebu at Negros; ang or-thotomus derbianus o grey-backed tailorbird sa gitna at timog Luzon, Palawan, at Catanduanes; ang orthotomus cucullatus o mountain tailorbird sa Palawan, Luzon, at sa mga bundok Apo, Busa, Kitanglad, Matumtum, Mayo, at Puting Bato ng Mindanao; ang orthoto-mus ruficeps o ashy tailor-bird sa Cagayan Sulu; ang orthotomus sericeus o rufous- tailed tailorbird sa Balabac, Busuanga, Cagayan Sulu, Culion, Omapoy, Palawan, Sibutu, Sipangkot, Sitankay, at Tumindao; ang orthotomus samarensis o yellow-breasted tailorbird sa Bohol, Leyte, at Samar; ang orthotomus nigriceps o black-headed tailorbird sa Dinagat, Agusan, Surigao, silangang Davao, at Siargao; at ang orthotomus cinereiceps sa gitna, timog, at kanlurang Mindanao, at Basilan. (KLL)

 

Cite this article as: pipít mananahì. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/pipit-mananahi/