peskadór
Ang peskadór o indigo-banded kingfisher sa Ingles (alcedo cyanopectus) ay ibon na may balahibong kulay bughaw at putî, at may tukang matulis at mahabà. Madalas na matatagpuan sa kabukiran, ang peskadór ay nakatala sa katalogo ni Frederic de Lafresnaye (1840), at naobser-bahan ng mga pagtatalang ornitilogo na matatagpuan sa Luzon at ilang bahagi ng Kabisayaan. May dalawa itong sub-espesye: ang cyanopectus, na makikita sa bahagi ng Luzon, Polilio, Catanduanes, Mindoro, Marinduque, at Masbate; at ang nigrirostris, na nabubuhay sa Panay, Negros, at Cebu.
Tinawag itong peskador, mula sa Español na pescador, dahil tila mangingisda ang hilig na mag-abang ng makakaing isda. Kilalá rin ito mga tawag na blue-breasted kingfisher, dwarf river kingfisher, at Philippine pectoral kingfisher. (LJ)