pámpanó
Ang pámpanó (pamilyang Carangidae sa genus Trachino-tus) ay isdang dagat, pompano sa Ingles, bagaman higit na kilaláng jack. May 20 species ito at itinatangi bilang pagkain. Mistulang makerel ang katawan nitó, karaniwang kulay pilak, walang ngipin, at may nakahating buntot. Ang species na T. carolinus ay umaabot sa 45 sentimetro ang habà at 1.5 kilogramo ang timbang. Ang T. falcatus ay umaabot sa 90 sentimetro ang habà at tumitimbang ng 14 kilogramo.
Maraming specie ng pámpanó at ang Trachinotus blochii na kilaláng mamahaling isda ay madalas napagkakama-lang sapsap dahil sa kulay- pilak at bilugang hugis ng ka-tawan. May pitóng tinik sa likod at tatlo naman sa puwit. Kalimitan ang kulay ay pilak at mapusyaw sa ibabâ at ang
malalaking tigulang ay kadalasang kulay gintong kahel lalo na sa may tiyan. Ang likod ng nguso ay napakatarik at ang malambot na umbok sa likod at puwit ay labis na mataas. Karaniwang may sukat na 40 sentimetro subalit ang pinakamalaking naitalâ ay 110 sentimetro at ang pinakamabigat ay 3.4 kilo.
Ang pámpanó ay makikita malapit sa tangrib at mababa-tong lugar. Ang mga batà ay naglalagi sa mabuhanging pampang at mababaw at mabuhanging look malapit sa bukana ng ilog samantalang ang mga tigulang ay naglalakbay nang magkakasáma papunta sa malinaw na tangrib. Ang mga batà ay naggugrupo hábang ang tigulang ay kadalasang nag-iisa. Kinakain nitó ang molusko at iba pang uri ng imbertebrado.
Ito ay popular sa akwakultura dahil madalîng alagaan, madalîng iangkop ang sarili sa bagong kondisyon, at kumakain din ng komersiyal na pagkain. Gayunman, ito ay madalîng dapuan ng sakit kapag marami ang inaalagaan sa iisang kulungan at kapag dumumi ang tubig. Ito ay popular sa akwakultura dahil madalîng alagaan, madalîng iangkop ang sarili sa bagong kondisyon, at kumakain din ng komersiyal na pagkain. Gayunman, ito ay madalîng dapuan ng sakit kapag marami ang inaalagaan sa iisang kulungan at kapag dumumi ang tubig.
Maaari nang ibenta kapag ang bigat nitó ay 250 gramo hanggang 1 kilo depende sa tagal ng pagaalaga. Sa Filipinas, ito ay inaalagaan sa kulungan. Dahil malaman at malinamnam, hinahanap sa palengke ang mamahaling pampano. Karaniwan itong inilulutong sinigang o inihaw. (MA/VSA)