ókra
Ang ókra (Abelmoschus esculentus) ay isang gulay na nag-mula sa Timog Asia, Ethiopia, at Kanlurang Africa. Tumataas ito ng dalawang metro. Ang hugis ng bunga nitó ay hugis daliri ng isang dal- aga at kulay berde. Mahibla ang bunga nitó na naglalaman ng maraming kulay putîng buto, at humahabà ng 18 sentimetro. Namumulaklak ito ng kulay putîo dilaw. Ang mga dahon ay may habàng 10–20 sentimetro.
Nabubuhay ang ókra sa mga tropiko at maiinit na lugar at hindi ito nan-gangailangan ng madalas na pagdidilig. Hindi nag-dudulot ng mabuti ang paglilipat ng ókra sa ibang taniman kung nakakapit na ang mga ugat nitó sa lupa. Dahil sa sapat na kalakihan ng mga binhi ng ókra, madalî ang pagtatanim ng mga ito. Bago itanim ang ókra, ibinababad ang mga ito sa tubig na may lalim na dalawang sentimetro. In-aabot ng anim na araw hanggang tatlong linggo bago sumibol ang mga ito. Itinatanim ang mga ito na may 15 pulgada ang layò sa bawat isa. Isang araw lámang ang itinatagal ng bulaklak ng ókra, dahil kinabukasan ay nagiging bunga na ang mga ito. Madalas inaani ang mga bunga hábang malambot pa ang mga ito at ma-sarap pang kainin ang mga hibla nitó.
May mga uod na kumakain ng dahon nitó kayâ upang maiwasan ito, iniiba ng mga magsasaka ang susunod na pagtatamnan matapos ang nakaraang anihan upang mai-wanang bakante ang lupa na hulíng ginamit.
Masustansiya ang ókra. Nakatutulong itong mapababà ng cholesterol kayâ’t nababawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Nakakaiwas din sa sakit na kanser ang pagkain nitó. Sampung porsiyento ng mga madalas irekomendang bitamina ay nása kalahating tása ng nilu tong ókra.
Upang hindi agad masira ang inaning ókra, kailanganing iimbak ito sa malamig na lugar. Iwasan din itong mabasâ dahil nagiging mabilis ang pagkabulok nitó. Kung may parte ng bunga na nangingitim na, makabubuting iluto na ito bago tuluyang masira. (ACAL)