niyóg-niyúgan

Ang niyóg-niyúgan (Quisqualis indica) ay isang gumaga-pang na halaman na umaabot hanggang 20 talampakan. Makikita ito sa mga bansa sa timog-silangang Asia, kagaya ng Filipinas, Malaysia, at India. Ang lungtiang dahon nitó ay biluhaba na may patulis na dulo.

Sa isang punò, iba-iba ang magiging kulay ng bulaklak nitó, gaya ng putî, pulá, mapuláng lila, mapusyaw na pulá, at kahel. Tumutubò nang kumpol-kumpol ang mga mababangong bulaklak nito. Ginagamit itong palamuti dahil sa ganda ng mga bulaklak.

Pabilog at maraming galugod ang bunga ng niyog-ni-yugan. Kulay itim naman ang mga butil o buto nitó. Sa Filipinas, ang lana na makukuha mula sa halamang ito ay ginagamit na mabisàng pampurga. (ACAL)

 

Cite this article as: niyóg-niyúgan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/niyog-niyugan/