mustása

 

Ang mustása (Brassica integrifolia O.E. Schutz) ay gulay na tuwid at masanga, tu-mataas ng isang metro, at may mga dahong nagmumula sa mga sang na may habàng 5–15 sentimetro. Di-law ang bulaklak nitó, 6-8 milimetro ang habà na nagiging bungang may lamang maraming buto. Nakukunan ng langis ang buto at kinakain ang dahon.

Sa umpisa ng kasaysayan nitó, inaalagaan ang mustása bilang halamang-gamot. Sa ika-6 siglo B.C., ginamit ni Pythagoras ang mustása bilang gamot sa kagat ng alupihan. Pagkaraan ng isang dantaon, ginamit ito ni Hippocrates pantapal laban sa sakit ng ngipin at iba pang kirot. Sa kasulatang Kristiyano, binabanggit ang buto ng mustása upang kumatawan sa anumang maliit at tila walang ka-buluhan ngunit kapag itinanim ay tmutubòng­ malakas at kapaki-pakinabang.

Sa Filipinas, kinakaing hilaw ang dahon ng mustasa at pambalot sa isda o karne. Karaniwan din itong binuburo at pagkatapos ay ginagayat, pinipritong kasama ng itlog, at popular na sawsawan ng pritong isda o karne. (VSA)

 

Cite this article as: mustása. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/mustasa/