Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

mirasól

Flora, sunflower, herbal medicine

 

Ang hirasól/mirasól (Helianthus annuus) o sunflower ay isang halamang ornamental, dilaw ang bulaklak, at nakukunan ng langis ang butó. Ito ay magaspang, matabâ, at tuwid na halamang nakokompleto ang buhay sa loob ng isang taon. Tumataas ito mula isa hanggang tatlong metro. Kapansin­-pansin ang matingkad na dilaw na bulaklak nitó na maaaring nag-iisa o kumpol sa isang halaman at lumalaki nang 40 sentimetro. Kulay dilaw hanggang ka-yumanggi ang disk nitó. Ang pangalang siyentipiko nitó ay mula sa salitang Griego na helios na nangangahulugang araw at anthos na nangangahulugang bulaklak.

Mainam na pampaihi, pampalabas ng plema, pampababa ng lagnat, at pampatunaw ng pagkain ang mga buto at bulaklak nitó. Isa ring pampataas ng libido, pampalambot ng balát, at pangontra sa malarya at kanser. Ang buto nitó ay maaariing gamitin sa paggawa ng kape o pampalit sa tsokolate­. Ang pinakaluang bulaklak ay ginagamit sa pag-gamot ng sakit sa bagà at malarya. Ang tsaa mula sa bulaklak at dahon nitó ay nakapagpapagalíng ng ubo at sipon. Nakakapagpagalíng naman ng diyabetes ang tsaang gawa sa ugat nitó. Ang pagtatapal ng dahon at bulaklak ay mainam sa mga sugat, lagnat, at kagat ng insekto at ahas. Ang tangkay ay nagtataglay ng himaymay­ na maaaring gamitin sa produksiyon ng papel. Ang langis ay maaaring­ gawing sangkap sa paggawa ng sabon, kandila, pintura, at iba pa.

Katutubo ito sa America at dinalá sa Europa noong siglo. Ginagamit ito ng mga katutubong Americano bilang simbolo ng kanilang diyos ng araw. Noong siglo 19, naging simbolo naman ito ng Aesthetic Movement sa Euro-pa at naging paksa ng Tournesols, isang serye ng still life paintings ni Vincent Van Gogh. Ipinakilála ito sa Filipinas noong panahon ng kolonyalismong­ Español. Matatag-puan ito sa mga bansang tropikal. (KLL)

 

Cite this article as: mirasól. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/mirasol/