milón

Flora, vegetables, fruits, melon, species

Ang milón ay gumagapang na bag-ing sa pamilyang Cucurbitaceae at may bungang bilugan at milón din ang tawag. Bagaman isang prutas, may uri ang milón na maituturing na gulay sa larangan ng pagluluto. Melon ito sa Ingles at may prutas na malaman at malinamnam. Katutubo ito  sa  Asia at Africa ngunit lumaganap ang pagtatanim sa Europa at sa America. Noon pang 1600 ay may ulat na nagtatanim ng honeydew ang mga unang dayo sa Esta-dos Unidos. Itinatanim ang milon sa panahon ng taginit sa Filipinas ngunit sa mga pook na malapit sa tubigan. Bantog noon ang pinak ng Candaba, Pampanga bilang malawak na taniman ng milon at pakwan kapag tag-araw.

Ang pinakaunang milon sa Filipinas ay ang “milóng tagálog,” kahawig ng muskmelon (Cucumis melo), may magaspang at tila lambat na balát at ku­lay kahel na la-man. Ginagadgad din ang laman at isinisilbing pam-palamig. Ang cantaloupe na Europeo ay may balát na maputlang lungtian at sinasabing inalagaan noong ika-18 siglo sa Italy ng hardinero ng Papa. Ang winter melon, na nag-iisang milon sa genus Benincasa, ay gulay sa pagluluto at ang bubot pang bunga ay ginagawang inuming pampalamig. Ang honeydew ay higit na mahal sa milong tagalog ngunit malaganap na ring itinatanim sa maraming dako ng bansa. (VSA)

 

 

Cite this article as: milón. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/milon/