Mga Bulkán ng Camiguin

Geology, volcano, mountain, Camiguin, tourist attractions

Mayroong apat na pangunahing bulkan sa pulong lala-wigan ng Camiguin (Ka·mi·gín) sa Hilagang Mindanao. Ang mismong isla ay nalikha ng mga pagsabog ng bulkan. Ang apat na bulkan ay ang:

  • “Bulkáng Híbok-Hibok,” ang nag-iisang bulkan sa Camiguin na may mga pagsabog na naitalâ sa kasaysayan. May taas itong 1,332 metro. Ang ti-naguriang “Bundok Vulcan” ay bahagi lamang ng Hibok-Hibok at umusbong mula dito. Hulíng sumabog ang Hibok-Hibok noong 1953.
  • “Bundok Timpoong,” ang pinakamalaking bundok sa isla. Ang dalawang pinakamataas nitóng tuktok ay ang Timpoong (1,614 met-ro, pinakamataas sa Camiguin), at Mambajao (1,568 metro).
  • “Bundok Butay,” na tinatawag ding Bundok Uhay.
  • “Bundok Ginsiliban,” na may taas na 571 metro.

Dahil na rin sa mga bulkang ito, hitik ang Camiguin sa maiinit na bukal (hot springs), tulad ng sa Tangub, Ar-dent, at Sto. Niño. Ang Sunken Cemetery na popular sa mga turista ay dinulot ng paglubog ng isang bayan sanhi ng pag-usbong ng Bundok Vulcan mula 1871 hanggang 1875. (PKJ)

 

Cite this article as: Mga Bulkán ng Camiguin. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/mga-bulkan-ng-camiguin/

Related Articles