Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

matáng-báka

Fauna, birds

Ang matáng-báka (Pluvialis squatarola) ay ibong migra-toryo na karaniwang matatagpuan sa dalampasigan at tangrib. Mayroon itong habà ng katawan na 27–30 sentimet-ro at pakpak na 71–83 sentimetro at bigat na 190–280 gramo. Mula Abril hanggang Agosto, ang mga tigulang namatang­-baka ay may batik na itim at putî sa likod at pakpak, itim na mayroong putîng border ang mukha at leeg, itim na dibdib, at itim na tuka at binti. Naghuhunos ito sa kalagitnaan ng Agosto hanggang bungad ng Setyembre at nagiging abuhin ang plumahe.

Naglalabas ang babaeng matang-baka ng ng tatlo hanggang apat na itlog na matingkad na kahel at may mga batik na kayumanggi sa bungad ng Hunyo na nililimliman nang 27 araw. Tumatagal nang 35–45 araw ang pa­ ghahanda ng mga inakay sa paglipad. Naghahanap ang ibong ito sa aplaya o sa mga alon ng makakaing tulad ng maliliit na bulate, insekto, susô, at krustaseo. Hindi tulad ng ibang species ng Pluvialis, ang P. squatarola ay hindi bumubuo ng kawan tuwing naghahanap ng pagkain at sa halip ay magkakahiwa-hiwalay ang mga ito. (KLL)

 

Cite this article as: matáng-báka. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/matang-baka/