Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

maryákápra

fauna, birds

Ang maryákápra o pied fantail sa Ingles ay isang uri ng ibon mula sa pamilyang Rhipiduridae at genus na javanica. Ang Rhipiduridae o fantail ay kumakain ng mga insekto hábang lumilipad. May buntot ito na mas mahabà pa sa sariling pakpak at katawan.

Ang Rhipiduridae javanica ay may ulong kulay itim-kayumangging, harapang katawang kulay puti, likod at pakpak na abuhing kayumanggi, buntot na kayumangging may bátik na putî, at mga paang kulay itim. May sukat na 87 ang pakpak nito, 105 mm ang buntot, 16 mm ang tuka, at 22 mm ang tarsus. Endemiko ito sa Filipinas.

Kapansin-pansin ang maryakapra dahil sa malikot nitóng paglipad-lipad palipat-lipat sa mga sanga at punongkahoy hábang humuhuni. Kayâ malimit itong gamiting simbolo sa panitikan para sa babaeng may mababàng moralidad. (KLL)

 

Cite this article as: maryákápra. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/maryakapra/