Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

martínes

Fauna, birds

Ang martínes ay ibon sa pamilyang Sturnidae at tina-tawag na starling sa Ingles. May iba’t ibang species ito sa buong mundo. Ang malalaking uri sa Asia ay tinatawag na myna. Ang martínes ay di-gaanong malaki at may kulay na makislap na itim ang balahibo. Tulad ng ibang starling, ang martínes ay may maikli ngunit malakas na mga paa at mabilis at diretso ang paglipad. Kumakain ito ng mga insekto at prutas.

Nagpupugad ito sa bútas ng punongkahoy at doon nag-iitlog at nag-aalaga ng inakay. Malimit mapansin ang inahin kapag nakadapo sa harap ng pugad­ na bútas at nagpapakain ng insekto sa mga inakay. Nakapanggagaya ang martines ng maraming (15– 20 tunog) huni ng ibang ibon. Tulad ng myna, inaalagaan ang martines upang turuang magsalitâ. (VSA)

 

 

Cite this article as: martínes. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/martines/