maripósa
Fauna, insects, species
Kahawig ng paruparo ang maripósa at kapuwa miyembro ang mga ito ng mga kulisap sa order Lepidoptera. Tinatawag na moth sa Ingles a n g karamihan sa order na ito at ipinalalagay na may 160,000 itong species, sampung ulit na marami kaysa paruparo. Karamihan din sa species ng moth ay nokturno o panggabing kulisap, bagaman may ilang pang-araw at pantakipsilim. Gayunman, sa Filipinas, marami sa species ng moth ang tinatawag na gamugamó, lalo na ang uring madalîng naaakit ng liwanag kung gabi.
Ang tinawag na maripósa (mula sa gayunding tawag ng mga Español sa paruparo) ay ang uri na mistulang isang malaking paruparo at malaganap ang kulay na kayumanggi sa katawan at mga pakpak maliban sa ilang bahaging itim at bahaging putî. Panggabi ang maripósa at malimit na maligaw sa loob ng bahay kung madilim ang panahon. (VSA)