Lawàng Venádo

lakes, water, Mindanao, biodiversity, Cotabato

Ang Lawàng Venádo ang isa sa pinakamataas na lawa sa Filipinas sa elebasyon na 2194 metro. Matatagpuan ito sa paanan ng Bundok Apo—na siyang pinakamataas na bundok sa bansa—sa lalawigan ng Cotabato sa Mindanao. May lalim itong 6.10 metro. Wala itong pinag-bubuhusang ilog o batis, ngunit natutuyo ang hanggang dalawa sa tatlong bahagi ng lawa sa panahon ng tag-init.

Hinango ang pangalan ng lawa sa salitang Español na venado, o usa, dahil sa pagkakapareho nitó sa hugis ng nasabing hayop. Pinalilibutan ang maliit na lawa ng munting kapatagan, na siyá namang pinaliligiran ng mga punon-gkahoy at buról. Tinatawag ito ng mga lokal na mama-mayan bilang “Lawàng Línaw,” dahil sa malinaw nitóng tubig na sumasalamin sa tuktok ng Apo. Sa kasalukuyan, ginagamit itong camping site ng mga mountaineer na umaakyat-babâ sa bundok. (PKJ)

 

 

Cite this article as: Lawàng Venádo. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/lawang-venado/