Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Lawàng Pagúsi

lakes, water, fisheries, Agusan

Ang Lawàng Pagúsi ang ikawalong pinakamalaking lawà sa Filipinas sa lawak na 2,534 ektarya. Bahagi ito ng  watershed ng “Lawàng Maínit,” ang ikaapat na pinakamalaking lawà sa bansa. Matatagpuan ang Pagusi sa bayan ng Santiago sa lalawigan ng Agusan del Norte sa hilagang-silangang bahagi ng Mindanao.

Ang Ilog Calinawan, na siyáng lumalabas mula sa Lawàng Mainit, ang siyáng bumubuhos sa Lawàng Pagusi. Pinaliligiran ito ng mga pinak. Tulad ng sa karatig na lawa, nakaasa ang kabuhayan ng maraming mangingisda sa mga lamantubig ng Pagusi, tulad ng tilapya at hito. Ginagamit din ang mga karatig na lupain bilang taniman ng palay at iba pang inaaning halaman. (PKJ)

 

Cite this article as: Lawàng Pagúsi. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/lawang-pagusi/