Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Lawàng Bató

lakes, water, geology, fisheries, Bicol

Ang Lawàng Bató ang ikapitong pinakamalaking lawà sa Filipinas sa lawak na 2810 ektarya. May lalim itong 8 metro. Matatagpuan ito sa bayan ng Bato sa lalawigan ng Camarines Sur sa timog-silangang bahagi ng Luzon.

Bumubuhos ang lawà sa isang sangay ng Ilog Bikol, na siyá namang bumubuhos sa dagat sa Lung-sod Naga. Pinaliligiran ito ng mga pinak at kagubatan. Bahagi ito ng tinatawag na Rinconada Lakes System, na kinabibilangan din ng Lawàng Buhì at Lawàng Baao-Bula. Ang tatlong lawa, lalo ang mga palaisdaan dito, ang ilan sa pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Matatagpuan sa Lawang Bato ang “sinarapán” (Mystichthys luzonensis), ang pinakamaliit na isdang hinuhúli para ipagbili sa buong daigdig. Bukod sa sinarapan, ginagamit din ang lawà bilang palaisdaan ng tilapya, hipon, at hito. (PKJ)

Cite this article as: Lawàng Bató. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/lawang-bato/