kulasisì
Fauna, birds
Ang kulasisì (Loriculus philippensis) ay isang species ng loro na kabilang sa pamilya ng mga Psittacidae. Kilalá rin ang ibong ito sa tawag na hanging parrot sa Ingles. Katangian ng mga kulasisì ang magpabitin-bitin sa mga sanga ng pu-nongkahoy. Ang katangiang ito ang pinagmulan ng pangalan nitó sa Filipinas. Natatagpuan ito sa mga tropikal na kagubatan at kabundukan. Kasama dito ang 11 subspecies na pawang mga katutubo sa Filipinas. Subalit ang tiyak na taksonomiya ay hindi pa malinaw sa kasalukuyan. Ang mal-aking bahagi ng bala-hibo ay kulay berde na may mga lugar na may kulay pulá, dilaw, asul, at kahel depende sa sub-species. Sa lahat ng lahi, maliban lamang sa Loriculus (philippensis) camiguinensis, lalaki lámang ang may kulay puláng balahibo sa ibabâ o sa itaas na dibdib (sexually dimorphic).
Maliit lámang ang species na ito. Ang kulasisì ay may sukat na 14 na sm (5.5 pulgada) ang habà, tumitimbang ng 32-40 gramo, at may maiksing pabilog na buntot. Gumaga-wa ito ng pugad sa mga butas o guwang ng punongkahoy.
Ang kulasisì ay namimilì ng panahon sa pagpapalahi. Namumugad ito mula Marso hanggang Mayo. Ang produksiyon ng babaeng kulasisi ay 3 itlog, at pipisain ito sa loob ng 20 araw. Ang mga batàng kulasisi ay mangangailangan ng 35 araw pagkatapos ng pagpisa upang magsimula ng pag-aaral lumipad. Karaniwan nang nakikita ang kulasisi na nag-iisa o may kapareha, bihirang makita na nakagru-po. Malimit itong naghahanap ng pagkain sa mga ibabaw na bahagi ng kagubatan. Kabilang sa pagkain ang nektar ng mga bulaklak at malalambot na prutas.
Ang ilang subspecies ay bihira nang makita o nawala na. (SSC)