kiyapò
plants, Flora, Aquatic plants
Ang kiyapò, tinatawag ding kuyapó, ay kabilang sa maliit na pamilya ng halamang-tubig o akwatiko sa pamilyang Nymphaeaceae. Water lily ang karaniwang tawag sa Ingles.
Sinasabing may 70 uri ng water lily sa buong mun-do. Tulad ng ibang water lily, ang kiyapò ay may makintab, bilugan at nakalutang sa tubig na mga dahon at nakaugpong sa isang mahabang uhay na may lamang maraming hangin. May makapal itong tangkay na nakalu-bog sa tubig at nakabaón sa putik. May hubog tasa naman itong bulaklak na may nakapaikot na mga talulot.
Ang malaking mga dahon nitó ay nakapagdudulot ng lilim sa mga isda sa ilalim. Gayunman, ang labis na pagdami nitó ay nakapag- dudulot ng polusyon sa tubig at sagabal sa nabegasyon. Ipinangalan sa kiyapò ang popular na distrito ng Quiapo sa Maynila samantalang ipinangalan sa kuyapó ang bayan ng Kuyapo sa Nueva Ecija. (VSA)