kítang
Fish, Fauna, Aquatic Animals
Ang isdang kítang ay kabilang sa pamilya Scatophagidae. Ito ay matatagpuan sa Indo Pasipiko. Ang katawan ay pipí at ang bibig ay hindi nakausli. May malalim na kutab sa palikpik ng likod. Ang unang tinik sa palikpik sa likod ay nakahilig sa harapan. May apat na tinik sa palikpik sa puwit. Kadalasan ay inaalagaan sa akwaryum.
Maraming uri ng kítang at ang pinakakaraniwan ay ang Scatophagus argus. Ang kabuoang tinik sa palikpik sa likod ay 10-11. Maberde ang kulay. Ang batà ay may ilang malalaking bilog na batik na kasinlaki ng matá, o mayroon ding 5-6 na malalapad at maitim na linyang na-katayô. Ang mga batik sa tigulang ay medyo kulay-ma-putla at kadalasan ay nása tagilirang likod. Ang katawan ng kitang ay hugis kuwadranggulo at labis na siksik. Ang likod ng ulo ay malalim. Bahagyang malaki ang matá na ang sukat ay mas maliit kaysa habà ng nguso. Pabilog ang nguso. Maliit at pahalang ang bibig. Ang mga ngipin ay nakahilera sa panga. Ang pangkaraniwang habà ay 20 sm at ang pinakamahabàng naitalâ ay 38 sm. Kadalasang na-glalagi sa lalim na 1-4 metro.
Ito ay tumitira sa mga piyer, estuwaryo, lawa, at mga bakawan. Kumakain ng uod, krustaseo, insekto at hala-man. Pinaniniwalaan ng mga mangingisda sa Filipinas na ang palikpik sa likod, puwit at pelbik ay may lason at maaaring makasugat. Ang kitang ay ginagamit ng mga Chino na medisina. (MA)