Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

kataká-taká

Flora,  grass, endemic species, medicinal plants, alternative medicine

Isang halamang-gamot, ang kataká-taká (bryo-phylllum pinnatum) ay isang tuwid na damo, umaabot sa 1.4 m ang taas at may mga dahong eliptiko, mga 10 sm ang habà, ay may alon-along gilid. Tinutubuan ng bagong mga supling ang mga singit ng gilid ng dahon at lumalaking bagong damo, isang pangyayaring pinagmu-lan ng pangalan nitó at kayâ tinatawag ding miracle plant sa Ingles. Tinatawag itong abisrana sa Ilo-kano at karitana sa Bisaya. May mga bulaklak itong silindriko, maliit, at mamulá-mulá ang ilang bahagi ng talulot.

Katutubo ito sa Filipinas at matatagpuang ilahas sa maraming lugar. Naipangagamot ang buong halaman. Ang dinikdik na kataka-taka ay ipinantatapal sa pilay, eksema, impeksiyon, pasò, at iba pang sugat. Para sa pigsa, ang buong dahon ay pinipiga-piga hanggang lumabas ang katas. Pagkaraan, binubutasan ang gitna ng dahon at sakâ ipinapatong sa matá ng pigsa. Sa hikà, inilalaga ang dahon nang ilang minuto, pinipiga upang kunin ang katas na ipinaiinom sa maysakit. (VSA)

Cite this article as: kataká-taká. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kataka-taka/