kapatágan
Geology, plains, valley, lowlands, anyong lupa, agriculture
Ang kapatágan ay isang malawak na lupaing-pátag (flat-land). Tinatawag itong plain sa Ingles at tulad ng lambak o valley na isa ring lupaing-pátag. Naiiba ito sa lambak da-hil hindi naliligid ng bundok. Matabâ ang lupa dito kayâ angkop ito sa pagsasaka at pagtatanim ng palay, tubó, punòng nagbibigay ng prutas, at iba pang halamang-gulay.
Madalî ding magtayô ng tahanan at mani-rahan sa kapatágan kaysa ibang lugar, madalîng latagan ng lansangan at ibang impraestruktura, at higit na mabilis ang komunikasyon at transporasyon. Kayâ karaniwang matatagpuan dito ang mal-aking bilang popula-syon at mga lungsod.
Ang kapatágan sa Rehiyon III na mas kilala bilang Gitnang Luzon ang itinutur-ing na pinakamalaking kapatagan sa Filipinas. Sa katunayan, ang Gitnang Luzon ay tinatawag din na “Rice Bowl of the Philippines” sapagkat dito nanggagaling ang malaking porsiyento ng produksiyon ng palay sa buong bansa. Ang Rehiyon III ay kinabibilangan ng mga probinsiya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
May kapatágan din sa loob ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Bukod sa palay, narito ang ma-lalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, at mais. Sagana naman sa abaka, papaya, mangga, tubó, at gulay ang ibang kapatágan sa Negros, Cotabato, Davao, Cebu, at Iloilo. (IPC)