Kampanà ng Balangíga
Ang mga Kampanà ng Balangíga ay tumutukoy sa tatlong kampanang mula sa simbahan ng bayan ng Balangiga na inangkin ng mga sundalong Americano bílang tropeo matapos nilang tupdin ang tagubilin ni Hen. Jacob H. Smith na gawing isang “wilderness” o iláng ang Samar. Ganti ito sa halos paglipol ng mga gerilyang Filipino at residente ng nasabing bayan sa isang pangkat ng mga sundalong Americano na nakaestasyon sa Balangiga noong umaga ng 28 Setyembre1901. Ang pangyayaring ito ay tinawag na “Masaker sa Balangiga.”
Cite this article as: Kampana ng Balangiga. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kampana-ng-balangiga/