kamatsilé
Philippine Flora, trees, Trees in the Philippines, diabetes, medicinal plants, traditional medicine, superstition
Ang kamatsilé (Pithecellobium dulce) ay isang punongkahoy na umaabot sa 18 m ang taas, may malalabay na sanga na may maikli ngunit matalim na mga tinik. Namumulaklak ito, putî, at 1 m ang diyametro. Ang bunga, na tila nakabaluktot na patani ang anyo, ay 10-16 sm ang habà at 1 sm ang lapad. May bunga ay 6-8 butó at nababálot ng lamukot na maputî-putî at naka-kain.
Ang kamatsilé ay kamunsil sa Bisaya, damortis sa Ilokano at monkey pod sa Ingles. Kung minsan, tinatawag itong manila tamarind dahil sa kahugis ng sampalok ang bunga.
May tannin ang balát ng punò ng kamatsilé. Ang balát at ang dahon ay ginagamit ding astringent at gamot laban sa diyabetes. Ang butó ay iniulat na naglalamán ng isteroyd, saponin, phospolipid, glycoside, at polysaccharide. May kakatwang paniwala na nakapagdudulot ng kupal o dumi sa ari ng batàng lalaki ang pagkain ng labis na kamatsilé. (VSA)