Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

kamátis

Philippine Flora, plants, herbs, tomato, fruit, agriculture, Cooking Ingredients, Filipino cuisine

Ang kamátis (Lycopersicum esculentum)  ay  yerbang  karaniwang lumalaki ng 1-3 m ang taas at may mga san-gang  lumalago  paitaas. May pinong-pinong balahibo ang punò at malalambot na sanga. May  bulaklak  itong dilaw at bungang bilugan ngunit iba-iba ang hugis at laki. Ang karaniwang inaalagaang kamatis ay may bungang 4-10 sm ang laki, mapulá kapag hinog, makinis, malamán, makatas, at maraming butó.

May 7,500 varayti ng kamátis sa buong mundo. Noong 2009, umaabot sa 150 milyong tonelada ang produksiyon nitó. Pinakamalaking prodyuser ang China. Malaganap ito sa Filipinas, may varayting ilahas ngunit marami na ang itinatanim bilang pagkaing gulay, sahog sa ilang putahe, at sawsawan. Ang berde pa ay ginagamit sa atsara. Paboritong sawsawan ng pritong longganisa at tosino ang hiniwang kamatis na may hiniwang itlog na pulá. May ibinababaw ito sa iniin-in na kanin bago pigain sa asin o patis bilang sawsawan.

Ang kamátis ay mayaman sa bitamina C at isang malakas na antioksidante. Mainaman din itong kunan ng iron at phosphorus . May lycopene din ito at cholorogenic acid na maaaring makapagpababà sa mga panganib ng kanser. (VSA)

Cite this article as: kamátis. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kamatis/