kamantigì

Philippine Flora, plants, herbs, ornamental plants, tea, medicinal plants, traditional medicine

Ang kamantigì (Impatiens balsamina family Balsaminaceae) ay yerbang makatas, salit-salit ang mga dahon, kulay pink ang mga bulaklak, at mahibla at hugis itlog ang mga bunga. Nakakain ang mga dahon nitó at ginagamit na pantinà ang mga bulaklak. Mayroon itong taas na 20-75 sm, at mataba bagaman malambot ang mga tangkay. Ang mga dahon nitó ay may habàng 2.5-9 sm at may lapad na isa hanggang 2.5 sm. Maaari din itong mamulaklak ng kulay pulá, lila, o puîi, na may diyametrong 2.5-5 sm. Madalas itong itinatanim bilang halamang ornamental o bilang palamuti sa bakuran ng mga tahanan.

Ginagamit din ang kamantigì sa paggawa ng tsaa. Nagaga-mit naman ang iba’t ibang bahagi ng halaman upang gamutin ang ilang karamdaman at mga sakit sa balát.

Nakakain ang dahon, butó at tangkay nitó kapag niluto. Ang katas mula sa mga dahon nitó’y nagpapagalíng ng kulugo at kagat ng ahas, samantalang nakapagpapalamig ng napasòng balát ang mga bulaklak nitó. Sa iba’t ibang panig ng Asia, matagal nang ginagamit ang kamantigi bilang katutubong gamot sa rayuma, balì, at pamamagâ ng mga kuko.

Ang hinog na bunga nitó’y sumasabog kapag nahawakan kayâ tinatawag din ito sa Ingles na “touch me not.” (ECS)

Cite this article as: kamantigì. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kamantigi/