kabkáb

Philippine Fauna, frog, tongue twister

Ang kabkáb (Rana magna) na kabilang sa pamilyang Ranidae, ay isang palaka na matabà at malaki na endemiko sa Filipinas. Karaniwan itóng nakatira sa tropiko at sub-tropikong kagubatan at latian, o sa mga kaparangan na madalas na nauulanan, gayundin sa ilog, taníman, mga sapà, at iba pang dinadaluyan ng tubig. Ang kabkáb ay nása talaan ng mga hayop na may panganib na mawalan ng tirahan dahil karaniwan ngang ituring na salót sa mga pananim.

Samantala, isang popular na tongue twister ang gumagamit ng kabkáb: “Palakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-ka-labukab pa lámang, kumakalabukab na naman.” (ECS)

Cite this article as: kabkáb. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kabkab/