Feliciano Jocson
(9 Hunyo 1868–4 Mayo1898)
Lider Katipunero, parmasyutiko, at nagpatuloy ng pakikibáka sa kabilâ ng Kasunduang Biyak-na-Bato, hindi malinaw ang ulat sa kapanganakan at kamatayan ni Feliciano Jocson (Fe·lis·yá·no Hók·son). May nagsasabing isinilang siyá noong 9 Hunyo 1968 sa Quiapo, Maynila at nahinto ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Ngunit nagsikap siyáng kumita at nakapagtapos ng parmasya noong 1895 sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtayô siyá ng botika sa Escolta at nang maging miyembro ng Katpiunan ay naging pook pulungan ito ng kilusan.
Noong Nobyembre 21 1898, kasáma ni Jose Alejandrino, nagprisinta silá kay Aguinaldosa Kawit at naatasang humanap ng armas. Nagpunta siyá sa Hong Kong at nagsimula ng mga pag- sisikap mag-ismagel ng armas, na pawang nabigo. Noong Abril 1897, nagpunta siyá sa Mara- gondon at sumáma sa pangkat ni Bonifacio. Pagkamatay ni Bonifacio, hiniling niya kay Aguinaldo ang pagtatatag ng isang gobierno departmental sa Gitnang Luzon na binubuo ng Tayabas, Laguna, Morong, Maynila, Bulacan, NuevaEcija, at Bataan at siyá ang secretario de fomento. Nagsilbing pangulo si Padre Pedro Dandan, pangalawang pangulo si Anastacio Francisco, sekretaryo ng tesorerya si Paciano Rizal, sekretaryong panloob si Teodoro Gonzales. Noong Disyembre 1897 at mapagtibay ang Kasunduang Biyak-na-Bato, isa si Jocson sa tutol sa kasunduan. Bumalik siyá sa Kalookan at nagpundar ng salakay sa Maynila noong Marso 1898. Nabigo ang plano at halos nasawi ang mga alagad niya.
Tumakas siyá sa Laguna at doon nadakip ng mga alagad ni Heneral Pio del Pilar na punò na noon ng guwardiya sibil. Nangako si del Pilar kay Paciano na hindi isusuko si Jocson sa mga Español. Ngunit hindi na nakitang muli si Jocson.May ulat na pataksil siyáng piñata noong 4 Mayo 1898.(GVS)