Abdulmari Asia Imao
(14 Enero 1936–16 Disyembre 2014)
Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura noong 2006 si Abdulmari Asia Imao (Ab·dul·má·riA·sya Í·maw). Isa siyang eskultor at pintor. Isa rin siyang nangungunang tagapagtaguyod ng sining at kulturang Muslim saFilipinas.
Ang pagiging bihasa ni Imao sa sining ng “ukkil” o “okir” (masinsing disenyo ng pakurbang elemento na maaring tumutukoy sa alon, halaman o baging sa Maranaw na ang ibig sabihin ay “umikit”) ang nagsilbing puhunan ng noo’y sumisibol pa lamang na manlilikha. Ang ukkil, “sarimanok” (mitikongibon-isda), “sari-mosque” (halong sarimanok at mga mosque) at “sari o kir” na kaniyang isinakontemporaneo ang sa kalauna’y nagging pangunahing paksa ng mga eskultura at pintura ni Imao.
Unang solong eksibit niya ay sa Contemporary Art Gallery sa Mabini noong 1960. Noong 1971, isa siya sa kumatawan sa Filipinas sa Seventh Paris Art Biennale sa France. Kabilang sa mga likha niya ang monumento ni Lapulapu sa Luneta at ni Pangulong Elpidio Quirino sa Roxas Boulevard; “Antonio Figafetta Monument” (12 piye) sa Fort San Pedro Cebu City; “Sulu Warriors” (6 piyeng estatwa ni Panglima Unaid, isang lokal na bayani ng Sulu at Kapitan Abdurahim Imao) sa Sulu Provincial Capitol; Amai Pakpak (8.5piye), “Hero of Marawi” sa Lanao Del Sur; “Sultan Kudarat’,s Battle at Tantawan,Cotabato, ”brass mural sa PICC; “Sarimanok, ”logo ng 1974 Miss Universe; mga pinturang sarimanok Central Bank of the Philippines Museum; Allah Islamic Calligraphy sa Vargas Museum. Noong 1968, itinanghal siyang isa saTen Oustanding Young Men (TOYM). Pinagkalooban siya ng Art Association of the Philippines ng gintong medalya para sa eskultura noong 1980. Pinagkalooban din siya ng Gawad CCP para sa Sining noong 1990 at Presidential Merit Award noong 2005.
Isinilang siya noong 14 Enero 1936 sa Tulay, Jolo, Sulu kina Jamasali Alih at Asia Juraiya Imao. Ginamit ng pamilya niya ang Imao bílang apelyido sa payo na rin ng isang Imam. Nagtapos siya ng digri sa Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1959. Sa pamamagitan ng mga iskolarsyip, nagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral sa University of Kansasnoong 1962 at sa Rhode Island School of Design, USA. Taong 2014, sa edad na 78 ay binawian siya ng bhay. Pinaniniwalaang atake sa puso habang siya’y natutulog ang dahilan ng kanyang pagkamatay. (RVR)