Ílog Pampanga

Geology, water, river, Pampanga River, Luzon

 

 

Ang Ílog Pampanga (Pam·páng·ga) ang isa sa pinakama-habàng ilog sa Filipinas, at ikalawang pinakamahabàng ilog sa isla ng Luzon pagkatapos ng Ílog Cagayan. Kilala rin bílang Rio Grande de Pampanga, ang ilog at mga sagay nitó ay matatagpuan sa Gitnang Luzon at dumadaloy sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Quezon, at Tarlac. Nagsisimula ito sa mga kabundukan ng Caraballo at Sierra Madre at umaagos patimog bago bumuhos sa hilagang bahagi ng Look Maynila. Ilan sa mga sangay nitó ang Chico de Pampanga, Lubao, Pantabangan, at Peñaranda.

Ang Ílog Pampanga ay may habàng 260 km. Ang pinag-sámang river basin ng mga Ílog Pampanga at Guagua ay may lawak na 10,540 kilometro kuwadrado, ikaapat na pinakamalaki sa buong bansa. Bahagi ng river basin nitá ang latian ng Candaba, isa sa mga pangunahing latian ng bansa sa lawak na 32,000 ektarya. Tuwing panahon ng tag-ulan ay nakararanas ng pagbahâ ang mga bayan na nasasaklaw ng Ílog Pampanga. Matatagpuan din sa naturang river basin ang Bundok Arayat, at ang Dikeng Panta-bangan sa Pantabangan, Nueva Ecjia, na nagbibigay ng irigasyon sa mga sakahan ng Nueva Ecija at Tarlac. (PKJ)

 

Cite this article as: Ílog Pampanga. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/ilog-pampanga/