Ílog Mágat
Geology, water, river, Magat River, Luzon, Cagayan River
Ang Ílog Mágat ang pinakamalaking sangay ng Ílog Cagayan, na siyáng pinakamahabà at pinakamalaking ilog sa buong bansa. Matatagpuan ito sa Lambak ng Cagayan, may habà itong 150 km at nagsisimula sa kabundukan ng gitnang Cordillera sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, at umaagos pahilaga hanggang sumanib ito sa Ilog Cagayan. Ang river basin ng Ilog Magat ay bumubuo sa sangkalima ng buong lawak ng saklaw ng Ilog Cagayan.
Matatagpuan sa Ilog Magat ang “Magat Dam” na itinayô mula 1975 hanggang 1982 sa pagitan ng bayan ng Alfonso Lista sa lalawigan ng Ifugao at bayan ng Ramon sa Isabela. Bahagi ang dike ng Magat River Integrated Irrigation System. Ang Magat Reservoir na naiipon ng dike ay ginagamit bílang irigasyon at upang makalikha ng koryente. Sa taas na 114 m at habàng 4160 m, ang “Magat Dam” ang isa sa pinakamal-aking dike sa buong bansa at unang malaking multipurpose dam sa Timog-Silangang Asia. (PKJ)