Ílog Davao

Geology, water, river, Davao River, Mindanao

 

Ang Ílog Davao (Dá•vaw) ang ikatlong pinakamalak-ing drainage basin sa isla ng Mindanao sa lawak na 1,700 km². Matatagpuan ito sa lalawigan ng Bukid-non at rehiyong Davao. May habà itong 160 km. Nagsisimula ito sa matata-as na lupain ng Bukidnon (1,875 m ang pinaka-mataas nitóng elebasyon) at dumadaloy patimog bago bumuhos sa Golpong Davao sa Lungsod Davao. Isa sa mga sangay nitó ang Ilog Salug sa San Fernan-do, Bukidnon. Kilalá ang hulíng bahagi ng ilog, bago ito bumuhos sa dagat, bi-lang Ílog Bankeruhan.

 

Bihirang bisitahin ng bagyo ang Ílog Davao, at pantay ang pagbuhos ng ulan sa buong taon. Lagpas kalahati sa dinadaluyang lupain ng ilog ay kagubatan, at ang iba ay kalungsuran o pang-agrikultura. Ilang bahagi ng ilog ay ginagamit ng mga turista at abenturero bilang dausan ng wild water raft-ing. Mahalaga ang Ilog Davao at Bankeruhan sa kasaysayan ng nangungunang lungsod ng Mindanao. Bago pa man dumating ang mga mananakop na Español, isa na itong daanan ng mga mangangalakal mula sa iba’t ibang tribu. Sa kasalukuyan, nalulugmok sa polusyon ang Bankeruhan, ngunit may mga hakbang na upang ibalik ito sa dating kadalisayan. (PKJ)

Cite this article as: Ílog Davao. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/ilog-davao/