Ílog Angat
Geology, water, river, Angat River, Luzon
Ang Ílog Angat (Ang·gát) ay isang pangunahing daluyan ng tubig na matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan. Nagsi-simula ito sa kabundukan ng Sierra Madre at dumadaan sa labing-isang bayan—Angat, Baliwag, Bustos, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, Pulilan, Calumpit, San Rafael, Plaridel, Paombong, Hagonoy—bago bumuhos sa Look Maynila. Kilalá rin ito bílang Ilog Bulacan.
Ang ilog ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng Kalakhang Maynila, at kung gayon ay maitu-turing na napakahalaga sa kabuhayan ng mga tao at eko-nomiya ng bansa. Ang mga dikeng Bustos, Angat, at Ipo ay matatagpuan sa Ílog Angat.
Itinayô ang Bustos Dam noong 1926 para sa irigasyon ng 27,000 ektarya ng palayan sa Lower Angat River Basin at Pampanga River Delta. Sinundan ito noong 1967–68 ng Angat Dam, na sa panahon ng pagkakasulat ay nag-tutustos ng mahigit-kumulang 90% ng pangangailangan sa tubig ng Kalakhang Maynila, at ginagamit sa irigasyon ng 28,000 ektarya ng sakahan sa Bulacan at Pampanga. Natapos naman ang Dikeng Ipo noong 1984, at nása tagpuan ng mga ilog Angat at Ipo. Inililihis ng Dikeng Ipo ang tubig patungo sa Dikeng La Mesa sa Novaliches, Lungsod Quezon. (PKJ)