Ílog Amburáyan

Geology, water, river, Amburayan River, Luzon,

 

Ang Ílog Amburáyan ang isa sa mga pangunahing da-luyan ng tubig sa hilagang Luzon. Dumadaloy ito mula sa kabundukan ng lalawigan ng Benguet pababâ ng rehiyong Ilocos bago bumuhos sa Dagat Kanlurang Filipinas (Da-gat Timog China) sa gitna ng mga bayan ng Tagudin sa Ilocos Sur at Bangar sa La Union.

 

Ang maalamat na ilog ang isa sa mga lunan ng epikong-bayang Ilokano na Biag ni Lam-ang. Ito ang ilog na pina-gliguan ni Lam-ang, at ang naipong libag at dumi sa kaniyang katawan ay kumitil sa mga isda at iba pang la-mantubig. Matatagpuan din sa iba’t ibang bahagi ng ilog, tulad sa bayan ng Sudipen sa La Union, ang malalaking tipak ng bato na tinatawag na mga “tugot” (yapak) ni An-galo, ang higante at dakilang lumikha sa alamat ng mga Iloko. Matatagpuan din sa Ílog Amburáyan sa Sudipen ang Dikeng Intake na itinayô ng mga Japanese noong Ika-lawang Digmaang Pandaigdig.

 

Noong panahon ng kolonyalismong Español, ipinangalan sa ilog ang sub-province (Commandancia Politico-Militar) ng Amburáyan na binubuo ng mga bayan ng Alilem, Angaki (ngayon ay Quirino), Lepanto, San Gabriel, Santol, Sugpon, Suyo, at Tagudin, ang kabisera. Sa kasalukuyan, pinagmumulan ang ilog ng irigasyon para sa mga palayan at kabuhayan ng mga Ilokanong mangingisda. Pinahahal-agahan ang ilog ng mga pangkating katutubo sa Benguet, tulad sa bayan ng Kapangan, bilang bahagi ng kanilang kultura, at bilang pinagmumulan ng kabuhayan (pangin-gisda, pangangalap ng ginto). (PKJ)

Cite this article as: Ílog Amburáyan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/ilog-amburayan/