Ílog Aklán

Geology, water, river,Aklan River, Visayas

 

Ang Ílog Aklán (o Ilog Akean) ang isa sa mga pangunah-ing daluyan ng tubig sa pulô ng Panay sa Kanlurang Kabi-sayaan. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Aklan, at dito na-kapangalan ang lalawigan. May habà itong 60 km at ang pangunahin sa limang ilog ng Aklan; ang apat pang iba ay ang Ilog Ibajay, Ilog Tangalan, Ilog Jalo, at Ilog Talon.

 

Nagsisimula ang ilog sa kabundukan ng gitnang Panay, sa timog Aklan. Malakas ang agos ng sa hulo nitó sa bu-lubunduking bayan ng Libacao, at tanyag ang bahaging ito ng ilog para sa wild river kayaking at rafting. Aagos ang ilog sa mabababàng lupain ng lalawigan bago bumuhos sa

 

Dagat Sibuyan malapit sa kabisera ng Kalibo. Dito rin sa bayan manganganak ang Ílog Aklán ng isang mas maliit na sangay, ang Ilog Sooc, na bumubuhos naman sa dagat sa Bakhawan Eco-park ng Kalibo.

 

Noong unang panahon, naliligo ang mga mananayaw at nakikisayá sa pistang Ati-atihan sa ilog pagkatapos ng kanilang panata at pagdiriwang. Dito nilá nililinis ang ul-ing at abong ipinahid sa kanilang katawan. Matatagpuan din malapit sa pampang ng ilog, sa Barangay Bulwang, bayan ng Numancia, ang tinaguriang “Ati Village,” isa sa mga nalalabing pook-tirahan ng mga Aeta sa Panay.

 

Ang ilog ang pinagmumulan ng malinis na tubig at ka-buhayan (pangingisda, pagsasaka) ng mga mamamayan ng Kalibo at maraming bayan ng Aklan. Mayroong pan-ganib ng pag-apaw ng ilog tuwing panahon ng tag-ulan, at ganito nga ang nangyari noong 2008 nang sinalanta ng bagyong Frank ang lalawigan at nagdulot ng malawakang pagbahâ, pagtabon ng putik, at matinding pinsala sa bu-hay at kagamitan. (PKJ)

Cite this article as: Ílog Aklán. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/ilog-aklan/

Related Articles